Huggybear's Stories
July 12-18 Edition
May 17, 2014
Saturday
Sometimes, the best things that happen in our lives come to
us in the most unexpected ways. My original plan for today didn't happen.
Instead, I got some of the things I've always wanted.
I went out of town today. I was
going to Oslob, the southern tip of Cebu island after coming from Hagnaya all
the way in the north last week. I went to the South Terminal bus station but I
had to leave immediately because the crowd was draining away my energy. I
decided to go instead to Talisay, a small town beside the sea, also in the
south of the city, where I used to live. I told my friend there about my
feeling burned out from city life. We decided to go to Naga, another town even
further south. There I made a video, as I always do in my travels. But this one
was different from all that came before.
Buko
(A Huggybear Movie)
May 18, 2014
Sunday
Text to my filmmaker friend CN
Di ba mahilig akong gumawa ng mga amateur short film? Nasa
YouTube na yung tumatawid ako ng dagat sa Lapu Lapu at yung nagbiyahe ako
papuntang Bogo sa dulong hilaga ng Cebu. Nandoon na rin ang "final
director's" cut ko ng mga dalawa kong unang nagawa tungkol sa Cebu at sa
Sudlon. Inaayos ko nang lahat kasi magsasara na ang OneTrueMedia, yung website
na ginagamit ko sa pag-edit.
Sinamahan ko ang isang kaibigan ko
kahapon. Ang nagawang kong video ay kakaiba. Walang kababalaghan o ano, pero
eto yung pinakagusto ko sa lahat. Mayroon kasi siyang kaibigan sa Maynila na
namatay at hinahanap niya ang mga kamag-anak. Nagpunta kami sa Naga, isang
bayan sa malayong timog ng Cebu na mas malapit pa sa Dumaguete kaysa sa
siyudad.
Umabot kami sa isang napakaliblib
ng lugar. Halos gubat na siya. Isang milya yata ang layo ng pinakamalapit na
kapitbahay. Mga matalik ko nang kaibigan yung mga kasama ko noon pang 2009.
Sila ang mga kasama ko bahay noong bumaha ang buong Metro Manila dahil sa
bagyong Ondoy. Nasa Paco kami noon, malapit sa Plaza Dilao sa Quirino. Nanonood
sila ng DVD habang ako naman ay nagbabasa ng isang aklat mula kay Jack
Canfield.
Gusto ko kasing gumawa ng video na
parang pelikula, na may kwento at mga tauhan. Nagsimula yun trip-trip lang.
Sabi ko dedma lang sila sa camera. Natural lang. Ang nakakagulat ay ang
pagdating namin ng Naga. Ibang iba talaga ang ugali ng mga tao sa probinsya.
Napakabait nila at walang kaplastikan. Hinayaan lang nila ako kumuha ng video.
Ganun lang, parang wala. Kaya ayun, may pelikula na ako kahit paano.
Yung mga eksena na ako ang bida ay
hindi ko na sinama. Kasama na rito yung hinahabol ko ang kalabaw. (Wala akong
video nung ako naman ang hinahabol ng higanteng gansa sa Cabiao, Nueva Ecija
noong teenager pa ako.) Yung mga kuha ko ay isasama ko sa koleksyon ko ng mga
sarili kong videos na kasama yung sumasayaw ako sa Mandaue ilang buwan lang ang
nakalipas.
May 18, 2014
7:32 p.m., Sunday
Text to my co-actor PD
Isang oras akong nag-hintay ng jeep kaninang madaling araw
sa Carbon. Eto yung Divisoria ng Cebu.
Ang tagal bago nakasakay ako sa
kanto kagabi. Halos isang oras bago may dumaang habal-habal kasi wala na tricycle. Tatlong sakay ako ng jeep kasi wala
nang derecho papuntang siyudad nang ganung oras. Ginutom nga ako sa daan eh.
Wala ako nahanap na goto or tapsilog man sa Carbon.
Alas-tres na ako nakauwi. Naaliw
ako sa pag-edit ng pelikula natin. Mga alas-siyete na ako nakatulog
pagkatapos mag-almusal ng pansit. Labing-dalawang oras akong tulog pagkatapos
ng dalawang araw na gising. Hindi naman tuloy-tuloy kasi nagising ako mga tatlong
beses pero sobrang antok kaya plakda agad. Nakabawi naman sa puyat at sa pagod
sa biyahe at sa shooting natin kahapon sa Naga. Pero masaya ako. Yun ang
mahalaga.
May 20 2014
Tuesday
Text to my best friend RG
Naranasan mo na ba yung dati parang puro itim at puti lang
ang buhay at ngayon ay punong-puno na ng kulay?
Tulad nung kantang God Gave Me You. Dati, nung mag-isa pa lang siya, nakikita niya na ang isang basong tubig ay
kalahati nang ubos.
Pero ngayon, umaapaw at umaagos na
parang dalawang ilog. At lahat ng halaga ng buhay niya ay nasa harapan niya.
Hindi pa niya alam iyon dati. Ngunit ngayon ay nakita na niya...
God Gave Me You
Bryan White
"For every glass I saw, I saw half empty,
now it overflows like a river through my soul..."
3 comments:
This Saturday morning in our home is full of goodness and light, as always. We are cooking fish in sweet and sour stew with carrots. I'm so in love, ready to die from happiness. The radio is on 96.3 W-Rock, my all-time favorite radio station. I'm glad that, here in Cebu, it's still on air.
But the neighbors are arguing. Needless to say, but it should be said, it's about money. I really can't understand, but I'm jaded enough to have seen, that money makes people crazy. Then again, it's not the money. It is greed. It is part of the human condition. It has always been there since the dawn of time, ever since the world began.
(July 5, 2014, 11:15 a.m., Saturday)
"When I was a kid, there was no collaboration; it's you with a camera bossing your friends around. But as an adult, filmmaking is all about appreciating the talents of the people you surround yourself with and knowing you could never have made any of these films by yourself." ~ Steven Spielberg
.
"Sometimes, the best things that happen in our lives come to us in the most unexpected ways..."
.
Post a Comment