August 16-22 Edition
1:18 p.m., Wednesday
I sometimes wonder what would have happened if things didn't
turn out the way they did.
If I weren't so depressed one
fateful day last May, I wouldn't have gone to the Cebu South Bus Terminal to go
to Oslob, a town at the tip of the island famous for its whale sharks. So I was
there. Then, if I like crowds, I wouldn't have left the station in disgust. I
positively hate crowds with a passion.
So I decided, on a whim, to go
instead to a friend from whom I've seen things that friends should never show.
If I were the type to keep grudges, I wouldn't have come. But I'm not, and so I
did. That's when I met the one person, somebody else, who I will love above all
others. You might call it a paradox of fate. Some may call it romantic. I call
it Destiny.
Tuesday
Text to my childhood friend GD
Nalulungkot dun sa nangyayari ngayon sa isang kaibigan ko,
na itatago ko na lang sa pangalang Kuya Abet.
May sakit siya ngayon, malala.
Matandang binata siya at nag-iisa lang sa buhay. Maniwala ka ba, nag-aral siya
sa Ateneo at naging kaklase niya si Mike Arroyo? Mayaman ang pinanggalingan
niyang pamilya. Mahabang istorya kung bakit naging tindero siya ng mga sarili
niyang gawang borloloy sa Pasay.
May isa kaming kaibigan, na itago
na lang natin sa pangalang Sam. Nuong dekada sisenta pa sila magkakilala.
Naikwento sa akin ni Sam ang lahat ng pinagdaanan nila. Hindi santo si Abet.
Nasilaw siya sa perang kinikita ng kanyang travel agency at lumaki ang ulo
niya. Naging mayabang at mapanglait. Dumating pa sa puntong nangloloko na siya
ng iba. Isa na duon yung isang kaibigan ni Sam na waiter na binigay ang lahat
ng ipon dahil pinangakuan niyang ipapadadala sa abroad pero walang nangyari.
Hindi ko rin nagustuhan yung ginawa ni Abet sa mga binatilyong alaga ni Sam
nitong mga nakaraang taon lang, bago mag-Ondoy. Pinagsabihan pa siya ni Sam
noon pa na malaking karma ang naghihintay sa kanya. Nagkatutuo nga. Pero
lumipas na yon at nagkaayos na sila. Si Sam pa ang nagpakilala sa akin kay Kuya
Abet dalawang taon na ang nakalipas.
Eto yung dapat pupunta ako ng
Mindoro pero nawalan na tayo ng kontak at nastranded ako sa siyudad. Yun yung
mga panahon na kalalapag ko lang uli ng Maynila. Wala akong pera, wala akong
trabaho at wala akong matuluyan. Dun ako sa Gwapotel natutulog kung may
pangcheck-in. Naalala ko pa yun: trenta pesos ang dose oras; may oras din ang
paggamit ng banyo kaya sabay kayong lahat maligo nang nakahubad. Nasa Cebu si
Sam noong nalaman niya ang kalagayan ko. Nagtext siya kay Kuya Abet at inaayos
niya na magkita kami. Dun yun sa Kalaw, katabi ng Luneta, harap ng Jollibee.
Natuwa naman siya sa akin kasi kamukha ko daw ang isa niyang dating kaibigan.
Kaya doon muna ako sa bahay niya sa Tondo. Hindi naman ako nagtagal pero
alagang-alaga niya ako kahit talagang hirap siya. Alam kong marami siyang
nagawa na nakasakit sa ibang tao. Pero wala siyang pinakitang masama sa akin.
Kaya noong unti-unti na akong
nakakabangon, ako naman ang tumutulong. Lubos ang pasasalamat niya sa text
kanina. "Hindi naman ako marunong makalimot tumanaw ng utang na
loob," ang sagot ko. "Dapat nga ako ang magpasalamat dahil nandoon ka
nuong kailangan ko ng tulong. Hindi ko yung malilimutan."
4 comments:
“The invariable mark of wisdom is to see the miraculous in the common.” ~ Ralph Waldo Emerson
"Take up one idea. Make that one idea your life - think of it, dream of it, live on that idea. Let the brain, muscles, nerves, every part of your body, be full of that idea, and just leave every other idea alone. This is the way to success." ~ Swami Vivekananda
"You are a product of your environment. So choose the environment that will best develop you toward your objective. Analyze your life in terms of its environment. Are the things around you helping you toward success - or are they holding you back? ~ W. Clement Stone
.
"I call it Destiny..."
.
Post a Comment