Saturday, April 28, 2012

Spiderman and The Avengers



New Spiderman (Andrew Garfield)
The Avengers
Thor vs Ironman
Ironman and Loki
Thor
Thor and Capt America


Loki and Nick

1 comment:

Jonathan Aquino said...

Bohemian
Ni Jonathan “Huggybear” Aquino

Nasa Baywalk ako dalawang linggo na ang lumipas. Naroon ako kung nais kong mag-isa at lumayo sa mundo, na talagang nakapagtataka dahil mas marami pa yatang tao doon kaysa sa Luneta. Ngunit mayroong hindi maipaliwanang na dahilan kung bakit ang kaluluwa ko ay humihiyaw sa tuwa kapag kaharap ko ang dagat.

May naging kaibigan ako doon, kamukha ni Coco Martin. Hindi ko ugaling magbuhat ng bangko, pero tutal napag-usapan na rin lang, ang totoo niyan ay kamukha ko naman si Geoff Eigenmann.

Masahista siya, nag-aalok ng masahe at paminsan-minsan, kwento niya, nagbebenta rin ng laman. Natutulog siya sa Gwapotel kung may pambayad; kung wala, sa tabing-dagat. Tuwing umuulan at walang parokyano, manonood siya ng sine sabay tulog sa sinehan; kung walang pang-nood, diyan lang siya sa tabi-tabi, patumpik-tumpik.

Sa kabila ng lahat, matibay ang kanyang painindigan. Ayaw niyang humingi ng tulong sa iba at wala siyang bisyo. Galit siya sa mga taong magnanakaw, manglilibak at manggagamit. Malalim ang kanyang relasyon sa Diyos kahit wala siyang relihiyon. Malinaw na panatag ang kanyang pag-iisip at masaya siya sa buhay – kahit mag-isa lang siya sa mundo.

Tila ba kabaligtaran siya sa sinasabi nating “matagumpay.” Pero iniisip ko: Maari ka bang tawaging “bigo” kung ikaw ay taong may prinsipyo and hindi pabigat kahit kanino? Ang halaga ba ng pagkatao mo ay nababawasan kung taglay mo ang kalayaan na lihim na kinaiinggitan ng mga nang-husga sa iyo?