Across The Universe 12

Huggybear's Favorite Songs From 
The Beatles

April 15 Midweek Musical 

I'll Follow The Sun 


Dear Prudence


Love Me Do


To Be Continued Next Wednesday

Photos courtesy of ypayonline.com and jpgr.co.uk



Comments

Tuwing naririnig ko ang I'll Follow The Sun, naaalala ko ang namayapang aktor na si Jay Ilagan. Bata pa lang ako, napapanood ko na siya sa TV sa Going Bananas kasama sina Christopher De Leon, Al Tantay at Johnny Delgado. Ang huling ginawa niya ay Alyas Pogi 2 na bida si Bong Revilla Jr. Teenager pa ako nang pinanood ko yun noong 1992. Nakatira ako noon sa Santa Rosa, Laguna. Santa Rosa din ang pangalan ng bayan ni Pogi. Namatay si Jay habang ginagawa ang pelikula. Yun ang paborito niyang kanta.
Isa sa mga kasabayan ng The Beatles ay ang Abba. Ang mga kanta nila ay ginawang Broadway musical, Mama Mia, na naging pelikula kung saan bida sina Meryl Streep at Pierce Brosnan. Noong nakaraang gabi nang pauwi na ako, ang tugtog sa jeep ay Fernando. Puro Abba. Hindi ko alam ang title ng sumunod na kanta pero hindi Dancing Queen. Nang malapit na ako sa bahay, ang pinapatugtog ay I Have A Dream. Ang pananaw ko sa buhay ay maririnig sa mga liriko: "I believe in angels, something good in everything I see..."
"One day you'll look to see I've gone,
for tomorrow may rain so I'll follow the sun..."
"Some day, you'll know I was the one
but tomorrow may rain so I'll follow the sun..."