Saturday Evening Posts
April 11-17 Edition
Losing My Religion 3
October 11, 2014
Saturday
What changed my belief is a lifetime of consistent
observation that most people proclaim their dogmas while living a life that's
decidedly at odds with their preaching; their actions contradict their words.
One might call it hypocrisy but I
want to avoid labels. I try not to judge because I refuse to be like those who
condemn others outside their sect (and in a lot of instances I've personally
seen, even those within their own congregation), all for the "glory of God."
I have the most profound respect for other people's beliefs. This respect borders on the sacred. Only a few understand that
one can commune with the Divine without belonging to any particular
denomination.
But since I'm not "religious," no matter how much I try to lead a decent life, no matter
how much I care about my fellowmen, some people have already self-righteously condemned
me to eternal damnation in Hell.
Jonathan Aquino's Journals
February 1, 2015
Sunday
I write a dream diary. Some of the common elements are my
psychic powers and talking to dead people and familiar strangers. It's funny
that many times I had dreamed I was consciously trying to understand my dreams.
These Dreams
Heart
figures up ahead, moving in the trees..."
12 comments:
Saturday, April 11, 2015, 2:14 a.m. Ngayon lang ako nakabalik ng bahay. Alas dose ng hatinggabi ang uwi namin ngayon at kahapon. Kwentuhan pa kami ng mga amigo ko sa pantry. Walang cable sa TV. Wala na siguro maipalabas kaya pati home shopping ginawang Tagalog. May binebenta ng kawali na hindi didikit yung niluluto mo kahit walang mantika.
Gusto ko lahat yung mga classmates ko. Tropa ko na nga lahat ng mga lalaki, sa labas kami ng building kumakain ng lunch. Mas maganda yung culture at atmosphere dito kumpara sa dati pero nagkikita pa rin kami ng mga ibang kaibigan ko doon. Happy naman ako. Miss ko lang talaga my wife and my lifelong friends outside the province. But of course we'll see each other again.
Madalas ng nagkakape muna ako sa pantry kasama ang ibang mga classmates ko bago umuwi. Napapanood ko tuloy yung The Vampire Diaries sa TV5 na dubbed sa Tagalog. May nakatagong galit pala si Damon kay Stefan kasi ayaw naman daw pala niyang maging bampira. Hindi ko maintindihan kung paano sila nakakalabas sa umaga. Yung iba, allergic sa sikat ng araw na daig pa ang gumagamit ng astringent.
Boarding house ko malapit sa Mango Avenue. Yung office nasa I.T. Park sa Lahug. Isang sakay lang. Ang mga jeep dito sa Cebu may mga code. Yung sakay ko 17-C. Yung mga jeep na 17-B at 17-D papunta din sa Colon sa downtown pero iba ang daan. Mas madali sumakay sa Olongapo kasi ang kulay ng mga jeep depende sa rota. Pag yellow papunta Subic, pag blue papunta dun sa tinirhan ko sa Barretto. Pag derecho mo yung sea-side highway patungo Zambales, labas mo Pangasinan.
Nang nagkaroon kami ng substitute trainer nung isang linggo, tinanong niya kami na aming mga pet peeve. Yung mga classmates ko nagsabi ng mga ayaw nila sa iba. Ako iniwasan ko yung trend. Iba sinabi ko pero totoo. "If there's one thing in the world that I can't stand," I said, " it's eating ampalaya." Nilinaw ko naman na di ako choosy: sinabi ko na kumakain ako ng sardinas, tuyo at pancit canton. Mahilig ako sa gulay pero wag lang yun. Chopsuey. Tortang talong. Dahon ng malunggay...
Next week punta kami ng mga classmates ko sa bundok. Syempre gagawa ako ng video. Gagamit ako ng ibang film editing software. Pag-aaralan ko gumawa ng subtitles kasi Cebuano ang salita namin. Pwede ko rin i-highlight ang mga words parang videoke.
Nagbebenta ng mango float yung isa sa mga sikyu sa office na ka-close ko. Alam niya na Jonathan ang pangalan ko pero Sir pa rin ang tawag niya sa akin. Bumili ako nung isang araw. Kanina yung isang classmate namin namigay ng graham crackers. Kwentuhan kami ng seatmate ko na girl. Marunong siya gumawa ng mango float. Gusto ko sana magpagawa para sa buong class, 24 kami. Pero kulang ang limang kilong mangga. Sabi ko wag muna kasi pinapa-upgrade ko pa ang laptop ko. Ayaw niya yung suggestion ko na gumamit na lang ng biscuit na assorted: yung nasa malaking lata na kadalasan makikita sa mga burol ng patay.
Maaga ako gumising kanina kasi hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Masyadong powerful yung meditation na natutunan ko sa spiritual healer na si Vianna Stibal kaya gising ang diwa ko magdamag. Kaya eto, maaga ako lumabas ng bahay. Nandito ako ngayon sa Internet shop malapit sa pinapasukan ko.
Nanonood ako ng mga videos ng isa pang spiritual healer, si Chris Griscom. Binabasa ko nang pangalawang bese ang libro niya na Time Is An Illusion. Kung may tao sa mundo na makakatulong sa akin kung paano ko makausap ang aking Higher Self, siya yun.
Kaya kung sakaling makarating ako sa Estados Unidos, mas pipiliin ko pa na puntahan si Chris Griscom sa bayan ng Galisteo sa New Mexico kaysa makipaghalobilo sa mga artista sa Hollywood.
Ang ginamit kong salita ay "natutunan," at hindi "natutuhan" kasi ito ang tamang kataga. Natutunan ko ito sa pakikinig ko dati sa namayapang broadcaster na si Tiya Delly sa DZRH.
At siyempre panonoorin ko ang mga videos ng bago kong idol at role model na si Cary Grant. Tingnan ko na rin kung may bagong clips mula sa bago kong paboritong pelikula Tagalog, This Thing Called Tadhana; kasama na siya sa Top Ten ko na pelikulang Filipino. Una at pangalawa sa listahan ko ang Bakit Labis Kitang Mahal at Forever na parehong bida ang isa sa mga idol ko mula pagkabata hangang ngayon: Aga Muhlach.
Post a Comment